"They are not the ones who appointed me there. It's the president who appointed me in that position at wala po silang kapangyarihan na pa-resign-in ako," pahayag ni Cam.
Sa panayam sa DZMM Miyerkoles ng umaga, sinabi ni Cam na maayos niyang ginagampanan ang kaniyang tungkuling paglingkuran ang mga mahihirap at maging ang mga empleyado ng PCSO.
"Ang bottom line po dito is about the STL na tungkol doon kay Congressman [Arnolfo] Teves," sabi niya.
Ang House Resolution 1777 ay inihain ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, na inakusahan ni Cam bilang gambling lord ng kaniyang lalawigan.
Bukod sa pagbibitiw sa puwesto, nais rin ng mga mambabatas na patawan si Cam ng contempt dahil sa mga akusasyong may kaugnayan sila sa small town lottery sa kani-kanilang mga lugar.
Binanggit naman ni Cam na nagsampa na rin siya ng reklamo sa Ethics Committee laban kay Teves dahil sa umano'y pagsulpot nito sa kanilang pulong sa PCSO nang hindi naman imbitado.
"'Wag daw namin ituloy 'yung no objection certificate from the LGUs, from the governors or the mayors dahil daw mapo-politicized. Sinagot ko siya dyan, 'Excuse me, Mr. Congressman, this is our internal affairs in the PCSO'. Hindi naman siya imbitado doon. Kaya nag-file ako sa Ethics Committee against him," paliwanag ni Cam.
"Bakit ka nagkaka-ganiyan? Because you are the one operating the STL in Negros Oriental and it's a public knowledge na talagang siya," sabi niya.
Matatandaang hinamon ni Teves si Cam na patunayang siya nga ang nasa likod ng operasyon ng STL sa kaniyang lugar. Sakaling makitang siya nga, handa siyang magbitiw sa pwesto.
"Hindi naman niya ilalagay sa SEC [Securities and Exchange Commission] registration ang pangalan niya. But I have a lot of circumstantial evidence pointing to him, the real owner of STL in Negros," dagdag ni Cam.